jonathan mok

Lalaki Napagkamalang May Coronavirus; Binugbog

Posted by

Isang Singaporean sa London ang binugbog ng grupo ng mga kabataan dahil napagkamalan itong may coronavirus. 

Nangyari ang insidente noong February 24 sa Oxford Street malapit sa Tottenham Court Road, Central London. Ang biktima ay kinilalang si Jonathan Mok, 23 years old at 2 taon ng Law student sa University College London.

Ayon kay Mok, nangyari ang insidente ng napadaan siya sa grupo ng mga kabataan sa Oxford Street. Tinangkang umiwas ni Mok sa grupo ngunit nagpantig ang kanyang tainga ng may isang sumigaw ng “coronavirus”. Doon na sya pinaulanan ng suntok. Ayon pa kay Mok, mayroon pang nagsabing “Wag na wag kang titingin” at“Hindi ko kailangan ang coronavirus dito sa bansa ko” habang siya ay sinasaktan.

Nakatakas naman ang grupo bago pa makarating ang mga pulis. Nagtamo ng malubhang galos sa mukha si Mok. Ika pa niya, maaari pa siyang mapasa-ilalim sa operasyon dahil sa tindi ng natamong mga sugat. 

Ipinost ni Mok sa social media ang mga litrato na nagpapakita ng natamo nitong galos sanhi ng insidente. Nagpahayag din siya ng sentimyento ukol sa epekto ng coronavirus sa kanyang race o lahi na maaring nag-udyok sa grupo na saktan siya. Ika nya;

“Bakit kailangan husgahan at saktan ang isang tao dahil lamang sa kulay ng kanyang balat. Ang racism ay hindi katangahan bagkus ito ay poot. Ang mga racist ay naghahanap ng dahilan upang magpahayag ng poot at saloobin. At dahil sa kasalukuyang krisis sa coronavirus, nakahanap pa ang mga ito ng isa pang dahilan”. 

Ang post ni Mok sa social media ay kasalukuyang nag-trending at nakalikom na ng mahigit kumulang 3,500 reactions at 2,000 shares.

Source

The spread of coronavirus has resulted in panic across the world — with people debating as to the severity of the…

Posted by Jonathan Mok on Monday, March 2, 2020