katy perry buntis

Katy Perry; Ibinunyag ang Pagbubuntis sa Music Video

Posted by

Huwebes, Marso 5. Sa pinakabagong music video ni Katy Perry na “Never Worn White”, kinumpirma ng singer na siya ay buntis. Makikita ang babybump ng singer sa bandang dulo ng nasabing music video.

Kinumpirma ni Katy Perry mismo ang pagbubuntis sa kanyang Instagram account matapos ilabas ang music video sa YouTube na siya ay naglilihi na sa Burrito na may Tobasco Hot Sauce.

Si Katy Perry ay kasalukuyang 35 taong gulang at kinakasama ang boyfriend na si Orlando Bloom na sumikat sa karakter na Legolas sa pelikulang Lord of the Rings.

Itinakdang manganak si Katy Perry sa kalagitnaan ng summer season sa US o sa pagitan ng Hunyo at Setyembre.