somatic robot bathroom cleaners

Janitors; Nanganganib Mawalan Ng Trabaho Dahil sa Isang Makabagong Robot

Posted by

Nanganganib mawalan ng trabaho ang milyun-milyong janitors sa mundo dahil sa isang makabago at modernong robot na kung tawagin ay SOMATIC na may kakayahang gawin ang mga gawaing-janitorial.

Tinaguriang Commercial Bathroom Cleaning Robotics, ang SOMATIC ay may kakayahang maglinis ng mga palikuran ng mas epektibo, mabisa at may mataas na kalidad ayon sa mga lumikha nito. 

Ipinagmamalaki ng SOMATIC robot cleaners ang kakayahan nitong kumilos ng kusa at walang pangangasiwa ng supervisors. Dahil dito, inaasahang magiging mabisa ang trabaho ng paglilinis at makakatipid ang mga kumpanya dahil ang mga nasabing robot ay nangailangan lamang ng kuryente para mag-recharge, tubig at drain o tapunan ng tubig para tumakbo.

Ang SOMATIC robot cleaners ay gumagamit ng tatlong hakbang bilang proseso sa paglilinis. Una na dito ang sanitation o pananatili ng kalinisan. Gamit ang isang chemical solution, wiwisikan ng robot ang isang lugar. Pangalawa ang pag-wisik ng tubig para matanggal ang mga dumi. At panghuli ang pag-vacuum ng sahig kasama ang pag-blowdry para matuyo ito. Dagdag pa rito, may kakayahang magbukas ng pintuan at sumakay ng elevators ang mga robot cleaners na ito.

Inaasahan ng SOMATIC CEO na si Michael Levy na magiging moderno na ang paglilinis ng mga palikuran sa mga airports, casinos at mga opisina dahil sa SOMATIC.