leech o linta

Inakalang Nosebleed Mula sa Aksidente; Linta Pala Ang Dahilan

Posted by

Inakala ng isang babae mula Edinburgh, Scotland na ang madalas na pagdurugo ng kanyang ilong o nosebleed ay sanhi ng aksidente sa motor na kinasangkutan nya ilang taon na ang nakakaraan.

linta sa ilong

Laking gulat ng babae ng nadiskubre nya na ang tunay na kadahilanan ng kanyang nosebleed ay sanhi pala ng isang leech o linta. Ayon sa babae, habang naliligo sya, nakaramdam ito na parang may kumakalabit sa loob ng kanyang ilong. Laking gulat nya ng may makita at nakuha syang linta na humigit kumulang 3 pulgada ang haba.

Ayon sa babae, maaaring pumasok sa kanyang ilong ang linta habang maliit pa lamang ito nung sya ay naaksidente sa motor at lumaki na lamang kalaunan sa loob ng kanyang ilong ng di nya namamalayan at ito ang naging dahilan sa patuloy nyang pag nonosebleed simula ng sya ay maaksidente.

Mabuti nalang at hindi mapanganib o masakit ang kagat ng mga linta or leech ayon sa mga eksperto. Wala itong kakayahang maglipat ng sakit o anumang kamandag sa sugat. Wala ring sakit na nararamdaman sa kagat ng linta dahil sa natural na pampamanhid na inilalabas nito.