australia_coronavirus

Australian Positibo sa Coronavirus Matapos Manggaling sa Pilipinas

Posted by

Isang babaeng Australiana ang nagpositibo sa sakit na coronavirus o COVID-19 matapos manggaling sa Pilipinas. Kinumpirma ng Autralian Embassy ang balita Huwebes, Marso 5.

Dumating ang Australiana sa New South Wales mula Pilipinas noong Marso 3. Sa kasalukuyan, ang buong Australia ay may humigit kumulang na 43 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ayon sa bilang ng World Health Organization or WHO.