kim chiu van shooting

Van ni Kim Chiu – Pinaulanan ng Bala

Posted by

March 4, Pinaulanan ng bala ang van na sinakyan ni Kim Chiu. Patungong taping si Kim kasama ang kanyang staff at driver ng biglang pinaputukan ng di kinikilalang suspek ang sinsakyan nilang van.

Nangyari ang insidente bandang 6:15 ng umaga habang binabaybay nila ang kahabaan ng Katipunan Avenue at CP Garcia. Ayon sa mga pulis, dalawang armadong naka motor ang mga kinikilalang suspek. Nagtamo ng 8 na tama ng bala ang van ni Kim. Wala naman tinamaan o nasaktan sa loob ng van. Ngunit nakatakas ang mga suspek na dumaan sa Katipunan Avenue.

Hanggang ngayon ay inaalam pa ang motibo at kinalalagyan ng mga suspek.

Sumaludo at sumuporta naman ang netizens at ilang celebrities sa nakakakilabot na insidenteng kinasangkutan ni Kim Chiu. Sa instagram post ni Kim matapos ang insidente, nagpasalamat siya sa lahat ng nagpahayag ng malasakit at nag-alala sa kanya. Sinigurado naman ni Kim na ligtas siya kasama ng kanyang PA at driver.

“A lot of you have been texting and calling. can’t answer right now. Thank you for checking on me. Means a lot. Yes I am safe po. I’m ok and my P.A. And my driver as well. Papa Jesus protected us. I dont have an idea what really happened, mistaken identity? I guess?? Napag tripan?.. This is a bad joke. 6am on my way to taping, I was asleep inside my car then I heard several gun shots, 8 to be exact. I was shocked and ask my driver what happened, then I saw this bullet on the windshield where my head was laying “buti nakahiga ako.” Pano kung tinuloy ko magbasa ng script?… I was so scared, I dont know what to feel right now. Wala naman akong kaaway or ka atraso. Why me?. Kung sino man ang gumawa nito Diyos na ang bahala sa inyo dalawa at the end of the day inisip ko nalang walang nasaktan sa amin. God protected us. Salamat po.”

@chinitaprincess