free internet

Libreng Internet Para Sa Mga Taga Pampanga, Tarlac at Cavite

Posted by

Pumirma ng kasunduan ang DICT o Department of Information and Communications Technology at Converge ICT Solutions na maglagay at magtayo ng libreng pampublikong internet access sa mga lalawigan ng Pampanga, Tarlac at Cavite.

Ang proyekto ay inaasahang nagkakahalaga ng P24-million. Sa ilalim ng proyektong ito, inaasahang magkakaroon ng humigit kumulang na 57 pampublikong imprastraktura para mabigyan ang mga ospital, plaza, daungan kasama na rin ang mga state colleges at universities ng libreng internet access.

Magsisimula ng maglagay ng imprastraktura ang Converge sa mga susunod na araw makatapos bigyan ng go signal DICT ang proyekto.